Saturday, February 12, 2011

"Mahal Kita"

Noon pa ma’y hirap ng sayo’y maiparating,
Nararamdaman sa twina’y pilit ikinukubli.
Hanggang sa nakakita ng papel at panulat,
Naisip nalamang ito’y idaan sa pagsulat.

Sana’y maniwala sa salitang bibitawan,
Minamahal kang tunay simula noon pa man,
Ikaw lamang nilalaman ng isip ko sa tuwina,
Tanging tinitibok ng puso ko ay ikaw lamang.

Sa mga katagang bibigkasin ng aking bibig,
Pag-ibig ko sayo ang tanging masasalamin.
Bawat titik na kasali’y piniling mabuti
Upang totoong damdamin sayo’y maipabatid.

Hindi mo man alam, ligaya mong hatid,
Sa t’wing nakikitang ika’y nakangiti.
Ikaw sa akin ay walang kapalit,
Sa likhang ito, pag-ibig ko’y iyong damhin.

Mahal kita! Mahal kita! Aking isisigaw.
Ipagmamalaking tunay san man dako mapunta.
Kahit sinumang tao ang aking makaharap,
Tanging sasambitin, mahal kita.. mahal kita

Joanna Aireen T. Go "June 7,2004 English Class til forever"

No comments: